Pag-iyak ni Sarah sa US concert fake at gimik lang daw; Mark kumontra
BINASAG agad ni Mark Bautista ang mga netizens na nagsasabing “fake” at “gimik” lang daw ang breakdown scene ni Sarah Geronimo sa kanyang US Tour concert last week.
May mga bashers na nag-post sa kanilang social media accounts na hindi sila naniniwala na totoong nag-breakdown ang Pop Princess sa kanyang “This 15 Me” anniversary concert sa Las Vegas kamakailan na naging “national issue” sa mundo ng showbiz.
Sa kanyang Twitter account, ipinagtanggol ni Mark ang kanyang kaibigan at kinontra ang mga pinagsasabi ng mga haters.
“Sarah’s cry was natural and not orchestrated so let’s stop all the conclusions and unnecessary assumptions. Peace y’all!!!” mensahe ni Mark na naging runner-up ni Sarah sa reality singing competition noon na Star For A Night. Naging bahagi rin ang singer-actor ng 15-year anniversary concert tour ng Popstar Royalty.
Sa nakaraang Chicago leg ng US concert tour ng dalaga, ipinaliwanag niya kung bakit napaiyak siya habang nagpe-perform on stage, “Last time po naging emotional ako kasi nag-panic po ako. Walang tulog tapos parang nawawala yung boses ko. And then naalala ko siyempre ‘yung journey ko, ‘yung humble beginnings namin, pinagdaanan, at saka siyempre lahat po tayo may battles in life.”
“I’ve been dreaming of it ever since I was a little kid. Hindi lang po ako naging prepared for everything, ‘yung lahat, ‘yung fame, ‘yung pressure, pressure to stay relevant. Ano ba next na movie ko? Next na song ko? Ano ba ang next na pasabog? Ano ba ang susuutin ko? Ano bang make-up ko? Parang kailangan na lang laging pag-isipan ng mabuti ang lahat. Parang kailangan lagi kang maganda, lagi kang naka-make up,” hugot pa ni Sarah G.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.