Maine na-food poison kaya ilang araw absent sa Eat Bulaga
Jun Nardo - Bandera May 04, 2018 - 12:45 AM
NABIKTIMA ng food poisoning si Maine Mendoza last weekend kaya ilang araw rin siyang hindi nakapasok sa Eat Bulaga. Todo-alala siyempre ang kanyang fans kaya bumaha ng mensahe sa social media na magpagaling siya agad.
Sa update na ibinigay sa amin ng manager ni Meng na si Rams David, nakalabas na raw ng ospital ang dalaga. Bumalik na rin daw ang sigla nito.
Hopefully, nakaabot sa live episode ng Eat Bulaga kahapon ang Phenomenal Star na sumakto sa birthday ni Wally Bayola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending