Rekomendasyon ng Ombudsman vs Faeldon nirerespeto ng Palasyo
SINABI ng Palasyo na nirerespeto ng Malacanang ang desisyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon kaugnay ng kontrobersiyal na P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa BOC.
“The Palace respects the recent decision of the Ombudsman recommending the filing of charges against former Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon et al,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Idinagdag ni Roque na magandang pagkakataon din ito para maipagtanggol ni Faeldon ang sarili.
“Mr Faeldon, et al will now have their day in court where they can defend themselves in the upcoming preliminary investigation in connection with the incident,” ayon pa kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.