Julia bumigay uli kay Joshua; may 'pakilig' photo para sa mga fans | Bandera

Julia bumigay uli kay Joshua; may ‘pakilig’ photo para sa mga fans

- May 02, 2018 - 12:01 AM

MUKHANG nagtagumpay na nga si Joshua Garcia sa muling “panliligaw” nito kay Julia Barretto.

Kamakailan ay dumaan sa pagsubok ang relasyon ng dalawang Kapamilya stars na muntik na ngang maging sanhi ng kanilang paghihiwalay. Inamin ni Joshua ang nagawa niyang kasalanan at pinatawad naman siya ni Julia.

Ngunit kasabay nito, sinabi ng dalaga na nag-e-effort si Joshua na muling makuha ang tiwala niya. At kahapon nga, kumalat ang litrato ng magdyowa sa social media na ikinakilig ng kanilang fans.

Nag-post si Julia ng sweet photo nila ni Joshua sa Instagram na may caption na: “After a storm comes a calm.” At dahil dito, naniniwala ang kanilang followers na successful ang effort ni Joshua na ligawan at suyuin uli ang kanyang girlfriend.

Maraming netizens naman ang nagkomento sa post ni Julia, yung iba ay positibo at ang iba naman ay puro kanegahan.

Ayon kay @cjehigh, “Stage 1 palang yung away nyo, marami pa kayo pagdadaanan na trials kaya be strong at palagi na sa center si god sa relationship nyo! wag nyo unahan ng emosyon, be calm always and listen to each other at wag makinig sa ibang tao the important is kayong dalawa, kayo lang ang makakaayos nyan! Always, love wins. So happy for you guys! Keep it strong!”

Sabi naman ni @axielle01, “I’m a big fan of yours. so happy you both completely moved on after the big char you had!”

“Kahit na may pinagdaanan patuloy paring nagmamahalan at walang makakapigil na kahit na sinuman…Ate @juliabarretto and kuya @garciajoshuae #joshlia!” ang sabi naman ni @iammanalo_mylene.

Sa kasalukuyang, busy ang JoshLia sa bago nilang pelikula, ang “I Love You, Hater” kung saan makakasama nila ang nagbabalik-Star Cinema na si Kris Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending