L.A. Santos umi-Iñigo Pascual ang style at boses
UMI-IÑIGO Pascual ang obserbasyon ng ilang press sa tunog ng boses at galaw ng baguhang singer na si L.A. Santos nang iparinig ang isa niyang kanta mula sa ginawang album.
Flattered naman si L.A. sa reaksyon na ito ng press sa mediacon ng kanyang “#Petmalu” concert sa Music Museum ngayong April 30. Tugon niya, “Gusto ko pong magkaroon ng sariling identity but still thankful sa observations ninyo!”
Sa totoo lang, hindi na kailangang magpakapagod pa ni L.A. dahil born with a silver spoon naman ang estado ng pamilya. Pero dahil passion niya talaga ang kumanta at gusto niyang matupad ang dream niyang maging singer, todo suporta ang kanyang ina na tiwala sa manager niyang si Joed Serrano na producer ng kanyang unang major concert.
Sa katunayan, star-studded ang guests ni L.A. sa concert niya sa Lunes, makaka-jamming niya sina Ian Veneracion, Jaya, Jona, Michael Pangilinan, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Boobsie Wonderland at sister niyang si Kanisha Santos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.