3 gwapong male celebrity tinuhog ni ate girl, nagkabukingan sa inuman | Bandera

3 gwapong male celebrity tinuhog ni ate girl, nagkabukingan sa inuman

Cristy Fermin - April 28, 2018 - 12:15 AM


PAGKATAPOS nang maraming taon ay muling nagkita-kita ang tatlong guwapo at kilalang personalidad nang hindi sinasadya. May dinaluhan silang party na hindi na para sa kanila kundi para sa mga bitbit nilang anak.

May kani-kanyang pamilya na nga ang mga dating guwapong bagets na pambato ng isang network, pero ang itsura nila’y hindi pa rin nagbabago, nadagdagan lang ang kanilang timbang.

Malakas na malakas ang pag-aapiran ng tatlong tatay, meron kasi silang naalala, ang ginawang pagpapaikot sa kanila ng isang magandang aktres nu’ng mga bagets pa sila.

Kuwento ng aming source, “Malapit na kasi silang magsuntukan nu’n, malapit nang masira ang friendship nila dahil sa isang female personality. Wala silang kaalam-alam na nilagare pala sila ni ____ (pangalan ng magandang babaeng personalidad).

“As in, pinagsabay-sabay silang tatlo nang wala silang kaalam-alam. Magaling ang babaeng ‘yun, may kani-kanyang schedule pala sila, kaya hindi sila nagkakaalaman nu’ng una.

“Hanggang sa isang gabi, habang nag-iinuman ang tatlo, e, may isang pumiyok. Ang sabi ni Actor A, ‘Pare, may sasabihin ako sa inyong dalawa. Ayaw na ayaw niyang ipasabi ito kahit kanino, lihim lang, pero kami na ni ____ (name ng girl).’

“Naloka ang dalawang bagets, paano nga naman nangyari ‘yun, samantalang sila, e, boyfriend din ng girl? Ganu’n din ang drama sa kanila ng babae, wala silang dapat pagsabihan na sila na, kailangang lihim lang ang relasyon nila.

“Nag-compare notes pa sila sa date kung kailan nila naging karelasyon ang girl, juice colored! Halos magkakadikit ang date ng anniversary nila!

“Kung paano ‘yun nagawa sa kanila ng girl, e, hindi nila alam, basta ang totoo, sabay-sabay silang sinyota ng hitad na babae!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ganu’n katindi ang sitwasyon, magkakainitan pa sana sila nu’ng una, pero naisip nila na pare-pareho lang naman silang biktima ng mapaglarong puso ng magandang female personality.

“Ayun, nagdesisyon ang magkakabarkada, sabay-sabay nilang iniwan ang girl, kaya ang lukring na girl naman ang nawindang! Pero buking na siya, wala na siyang magagawa, dahil sa kalokahan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong getlak n’yo na po kung sino ang girl na ito. Tama po, kilalang-kilala n’yo po kung sino siya!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending