Maangas na aktor dinadamay sa kanegahan ang GF na aktres | Bandera

Maangas na aktor dinadamay sa kanegahan ang GF na aktres

Cristy Fermin - April 28, 2018 - 12:15 AM


MATALAS pala ang dila ng isang young actor na hindi pa nga sumisipa ang showbiz career ay nawala na rin agad.

Sintunado sa tenga namin ang komento ng young actor na hindi niya nagustuhan ang panayam ng ilang katoto sa karelasyon niyang nagsisimula pa lang din ang karera.

Ang angas ng dating para sa nakararami ang paninita niya sa reporter na nagtanong sa GF niya tungkol sa balitang hindi raw boto ang magulang niya sa girl.

Okay na sana ang paliwanag niya na hindi totoong ayaw ng magulang niya sa karelasyon niya, kaso humirit pa siya ng, “Panira ka, please shut the fu*k up!” Tuloy nadadamay na rin sa kanegahan niya ang karelasyong teen actress.

Naikumpara tuloy siya sa isa pang young actor na nakaalitan din niya noon na may imahe ring maangas pero never nagsalita ng hindi maganda sa kanyang kapwa o nag-post ng nega sa social media.

Kaya pala pinakawalan na siya ng TV network na pinaglilingkuran niya rati dahil nakitaan siya ng attitude. Sayang, most loved pa naman siya noon ng mga katoto dahil mabait ang tatay niya na naging parte rin ng showbiz noon.

Hayz! Ang mga millennial talaga, masyadong mainitin ang ulo at sa social media kaagad tumatakbo para magsumbong sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending