Buhay ni Barbie Imperial sa 'riles ng tren' ibabandera sa MMK | Bandera

Buhay ni Barbie Imperial sa ‘riles ng tren’ ibabandera sa MMK

- April 28, 2018 - 12:05 AM

BAGO mapanood ang pinakabagong Kapamilya leading lady na si Barbie Imperial sa afternoon series na Araw Gabi, ibabandera muna ang kanyang makulay at inspiring life story sa Maalaala Mo Kaya.

Mismong si Barbie ang gaganap sa pagsasadula ng kanyang buhay sa MMK ngayong gabi sa ABS-CBN hosted by Charo Santos. Sisimulan ang kuwento sa pagtira ng kanyang pamilya sa may riles ng tren.

Nakilala bilang “Doll Along Da Riles”, lumaki si Barbie kasama ang kanyang inang si Marilyn (Aiko Melendez) na mag-isang itinataguyod sila ng kanyang kapatid. Ngunit lingid sa kaalaman ni Marilyn, hinahanap ni Barbie ang kalinga at pagmamahal ng kanyang ama na si Nelson habang siya’y lumalaki.

Akala ni Marilyn ay sapat na ang pagmamahal na naibibigay niya kay Barbie, hanggang sa sumali ang dalaga sa Pinoy Big Brother upang dito ay maipahayag niya sa kanyang ama ang kanyang pangungulila.

Totoo nga bang nagkaroon ng lamat ang relasyon nilang mag-ina nang pumasok sa Bahay Ni Kuya ang dalaga? Tutukan ang naging buhay ng bagong leading lady ni JM de Guzman sa isa na namang espesyal na handog ng MMK ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Makakasama rin dito sina Ashley Sarmiento, Carlos Morales, Lance Lucido, Paolo Santiago, Dianne Medina, Joj Agpangan, EJ Jallorina, Mikylla Ramirez, Cheska Billiones at Lowell Conales, sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat ni Benson Logronio.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Roda dela Cerna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending