2 umanong miyembro ng IS naaresto ng PNP sa Laguna | Bandera

2 umanong miyembro ng IS naaresto ng PNP sa Laguna

- April 27, 2018 - 05:17 PM
INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar  Albayalde ang pagkakahuli sa dalawa umanong pinaghihinalaang miyembro ng  extremist group na  Islamic State (IS) sa Laguna. Kinilala ni  Albayalde ang mga suspek na sina  Jimuel Velasco Dizon alyas Amir, at Eddie Boy Alejo Bermejo alyas Abdullah, na naaresto sa magkahiwalay na operation sa lungsod ng  Cabuyao at Sta. Rosa kamakalawa ng umaga. Sinabi pa ni Albayalde  na nagpalit ng rehiyon ang mga suspek para maging  Muslim at pinaghihinalaang konektado sa Rajah Sulayman Movement (RSM), na naunang nanumpa ng katapatan sa  Isis. Ani Albayalde, inaalam pa kung plano ng dalawa na magsagawa ng terorismo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending