NAGPIYANSA ngayong araw si Quezon City Councilor Roderick Paulate sa mga kasong kriminal na kinakaharap nito kaugnay ng umano’y mga ghost employees.
Umabot sa P246,000 ang inilagak na piyansa ni Paulate sa kasong graft, falsification by a public officer at walong kaso ng falsification of public documents sa Sandiganbayan Seventh Division.
Ang kanyang liaison officer na si Vicente Bajamunde ay naglagak naman ng P220,000.
Ayon sa isinampang kaso ng Ombudsman nagsabwatan umano ang dalawa upang pasuwelduhin ang may 30 ghost employees gamit ang pondo ng Quezon City Hall.
Nagkakahalaga ng P1.1 milyon ang sinuweldo ng mga ito mula Hulyo hanggang Nobyembre 2010.
Itinakda ng korte sa Mayo 25 ng umaga ang pagbasa ng sakdal sa dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.