OFWs sa Kuwait palaging kawawa | Bandera

OFWs sa Kuwait palaging kawawa

Susan K - April 27, 2018 - 12:10 AM

MATAPOS kumalat ang video kung saan ipinakitang itinatakas ng isang miyembro ng Rapid Responte Team ang isang Pinay OFW, pinagpapaliwanag ng pamahalaan ng Kuwait si Philippine Ambassador Renato Villa kung bakit ginawa iyon ng kaniyang mga opisyal.

Ayon sa balita, sa ipinakitang video, nais nitong palabasin sa buong mundo na animo’y halimaw ang mga mamamayan ng Kuwait.

Ngunit sa halip na tanggapin ang paliwanag ng ambassador, expulsion ang naging desisyon ng Kuwait at agad na pinababalik sa Pilipinas si Villa.

Tanong namin, ano bang bago sa eksenang ito kung ikukumpara sa mga ginagawang pagtakas ng mga Pinay OFW mula sa kanilang mapang-abusong mga employer nitong mga nakalipas na taon? At hindi lang sa Kuwait kundi sa ibang bansa sa Gitnang Silangan.

Ang bago … patakbo na silang tumatakas ngayon kasama ang sumasaklolong mga Pinoy officials at naka-video pa!

Kung tutuusin, wala sanang mababalitang pang-aabuso at tumatakas na OFW kung sa una pa lang ay hindi sila nagmamalupit ng kanilang mga kasambahay.

Dati, hindi nagagamit ng ating mga Pinay OFWs ang kanilang mga paa para makatakbo o makalakad sa kanilang pagtakas.

Tumatalon sila mula sa mga gusali na tahanan ng kanilang mga amo at siyang nagsisilbing bilangguan nila sa mahabang mga panahon.

At kapag nakatalon na ang Pinay, bali-bali ang mga buto ng mga ito, lasog ang katawan, at titiisin ang sakit para lang makalayo sa lugar ng kanilang amo hanggang sa makakita ng taong maaaring sumaklolo sa kanila.

Bakit nga ba naging ganito ang sistema ng pamamalakad sa ating mga OFW sa Kuwait? Matagal na panahon kasing binabale-wala ito ng pamahalaan.

Makakabalita ka lang tungkol sa anila pag may namatay o naospital., pero walang nananagot!

Charge to experience na lamang ang lahat. At parang walang nangyari, tuloy-tuloy lang ang pagpapaalis sa ating mga OFW, at tuloy-tuloy din ang pang-aabuso.

Hindi pansin ang kanilang kalagayan —walang day off, bawal lumabas ng bahay, nakakandado ang mga pintuan kapag umaalis ang kanilang mga amo, ginugutom, at apat na oras lang na pagtulo9g.

Bantay-sarado sila ng kanilang employer at may oras kapag magtatapon ng basura. Iyon lamang ang tanging panahon na maaaring makalalabas ng tahanan.

Matapos ipag-utos ang pagpapatupad ng total ban ng deployment ng Duterte Administration, walang Pilipinong nakaaalis ngayon patu-ngong Kuwait na may bagong mga kontrata.

Gayong pinapayagan naman ang mga balik-manggagawa o dati nang may mga amo doon o kumpanyang pinagtatrabahuhan kung sakaling nasa Pilipinas sila nang ipatupad ang ban.

Ngunit nananatili pa rin ang ban na ito matapos ang sunod-sunod na balita ng pang-aabuso ng mga Kuwaiti employer sa ating mga Pinay domestic helpers. Ang totoo pa nga, marami ang natakot nang magsumbong o di kaya’y hindi na rin ipinaalam ang tunay na naging karanasan nila sa Kuwait dala na rin ng labis na depresyon at kahihiyang maaaring abutin pati ng kanilang mga kapamilya.

Gayunpaman, ayon sa Malacanang, tuloy ang pirmahan ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait matapos ang Ramadan sa Hunyo.

Sa ilalim ng MOU, hindi na maaaring kumpiskahin ng employer ang mga cellular phones at dokumento ng OFW, may pitong (7) oras na ng pamamahinga, isang (1) araw na day-off, maaaring makapagluto ng sariling pagkain at hindi dapat makararanas ng pang-aabuso mula sa kanilang employer.

Pero hirit ngayon ng ating mga kababayan, bakit hindi na lang tuluyan nang ipatupad ang ban ng deployment sa Kuwait. Hindi lang para sa mga domestic helpers kundi maging sa ating mga professionals.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa Bantay OCW, no to Kuwait kami pagdating sa ating mga domestic helpers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending