UMABOT lamang sa 25.54 porsiyento ng mahigit 6,000 nagtapos ng law at kumuha ng Bar Exam noong 2017 ang nakapasa, ayon sa source sa loob ng Korte Suprema.
Nagsagawa ang Korte Suprema ng special en banc session para talakayin ang passing percentage, gayundin kung babaguhin ang passing rate para mapataas ang bilang ng mga nakapasa.
Sa nakaraang Bar examination umabot sa 7, 227 ang pinayagang kumuha ng pgsusulit, bagamat 6, 750 lamang ang nakakumpleto ng apat na Linggong pagsusuri.
Pinamunuan ni Associate Justice Lucas Bersamin ang Bar examination noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.