JESSY MENDIOLA nag-iiyak sa presscon ng MARIA MERCEDES...nagsasabi ng totoo | Bandera

JESSY MENDIOLA nag-iiyak sa presscon ng MARIA MERCEDES…nagsasabi ng totoo

Ervin Santiago - June 27, 2013 - 08:00 AM


ILANG beses naiyak ang Kapamilya leading lady na si Jessy Mendiola sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para sa susunod na teleserye niya, ang Pinoy version ng Maria Mercedes ng Mexican superstar na si Thalia.

Isa na nga sa mga nagpaluha sa kanya ay ang nasirang relasyon nila ni JM de Guzman. Sa unang pagkakataon nga ay inamin ni Jessy na naging sila ni JM at tumagal ang pagiging magdyowa nila ng halos dalawang taon.

Ayon kay Jessy, mas pinili niya ang manahimik noong nagkahiwalay sila ni JM dahil ayaw na niyang palakihin ang issue. Sinikmura na lang niya ang lahat ng panlalait at pambabastos sa kanya ng  nagtatanggol sa ex-boyfriend.

“Sinasabi nila pinaasa ko lang daw (si JM), bigla kong iniwan. May nagsabi pa na hindi ko raw siya ipinagtanggol sa mga naglalabasang issue about him. Maraming masasakit na sinabi sa akin, but I chose to keep mum, ayoko nang palakihin pa,” sey ni Jessy na mas lumutang ang ganda ngayon, at grabe ang kaseksihan ng dalaga, ha!

Sa tanong kung ano ba talaga ang rason ng kanilang break-up, sagot ng dalaga, “Sabihin na lang natin na mas ginusto kong mahalin muna ang sarili ko, mas gusto kong bigyan ng mas maraming panahon ang career ko.”

Kasabay nito, inamin din ni Jessy na naudlot nga ang pag-iibigan nila ni Matteo Guidicelli na balitang nanliligaw naman ngayon kay Sarah Geronimo. Sey ni Jessy hindi raw tamang sabihin na naghiwalay sila ni Matteo dahil hindi naman naging sila.

Pero aniya, nanghihinayang siya dahil naipakilala na nila sa isa’t isa ang kanilang pamilya.  Samantala, naiyak din si Jessy habang ikinukuwento ang pagkakapili sa kanya ng ABS bilang Pinay na Maria Mercedes, ayon sa aktres, “Talagang isa sa mga pangarap niya noon ang makaganap kahit isang role na ginawa ni Thalia, halos lahat daw ng teleserye ng Mexican actress ay nasubaybayan niya.

Handa na rin siyang maikumpara kina Erich Gonzales na gumanap na Maria La del Barrio sa Dos at Marian Rivera na nagbida sa Marimar ng GMA. Aniya, “Hindi natin maiiwasan na mai-compare kina Erich at Marian, pero sana nga po makapasa rin po sa manonood ang acting ko bilang Maria Mercedes.”

Magiging ka-loveteam ni Jessy sa teleseryeng ito sina Jason Abalos at Jake Cuenca. Gaganap namang nanay niya si Vina Morales. Ito’y sa direksiyon nina Rechie del Carmen at Chito Roño. Malapit nang magsimula ‘yan kaya abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending