‘Ano nga bang gagawin nina Mocha Uson at Freddie Aguilar sa senado?’
AS the barangay election heats up ay maugong na rin ang alignment sa darating na mid-term elections in 2019.
If Mocha Uson’s much-ballyhooed senatorial bid (bagay na pinag-iisipan pa yata niya) has stirred furor—if not fury—among the madlang pipol (us included) who believe she doesn’t have what it takes to sit even at the edge of the senatorial seat ay balitang may isa pang tatakbo mula sa mundo ng showbiz.
Enter frame si Freddie Aguilar na matagal nang inaawitan daw (this time around, hindi siya ang umaawit literally) para tumakbo sa Senado.
Kilalang malapit si Kaka kay Pangulong Digong Duterte. Hindi naman itinatanggi ng legendary folk singer that now is the best time to bank on his friendship with Digong, and at the same time ay makapaglingkod sa bayan.
Nakukumplikaduhan lang kami sa kasado nang plano ni Kaka based on the nation’s political history. Kung matatandaan, pinasikat noon ni Kaka ang mala-reconciliation anthem during the turbulent times sa ating kasaysayan.
His unity-themed song became the voice back then of every Filipino who wanted to overthrow a tyrannical government.
Sa sobra at tindi nga ng mensaheng nakapaloob sa mga liriko ng kantang ‘yon, it has evolved into an oft-played piece sa tuwing meron tayong gobyernong sa palagay nati’y dapat palitan with a new set of leaders more able to run the bureaucracy.
Ang awiting ‘yon ang nagbunsod sa paglaganap ng naibalik na demokrasya, a call in putting an abrupt cessation to martial rule spawned by the Marcoses, sa pamamagitan ng Cory administration.
Si Tita Cory na ina ni dating Pangulong Noynoy Aquino na kalaban ngayon ni Duterte, kung saan ang partido’y nililinyahan ni Ka Freddie. Si Ka Freddie na ang nakababatang kapatid na si Marlene Aguilar (yes, the adorable Marlene who has a world of her own) who declared war against a Duterte appointee na si Cesar Montano.
Si Ka Freddie whose pasaway daughter Megan (who often figures in cheap, tacky scandals) ay minsang nang-away kay Erwin Tulfo, who’s identified with Digong.
q q q
Huwag na marahil ang mga kuneksiyong ito, it’s not Ka Freddie who’s directly involved in all this after all.
Ano bang kakayanan—if any—meron ang iconic singer para mapabilang sa mga kapita-pitagang (hindi lahat) mambabatas sa Senado? What credentials up his sleeve (or under his sequined hat?) ang puwedeng ibandera ni Ka Freddie to win the madlang pipol’s vote of confidence?
Ilan sa mga diskumpiyadong netizens have spoken their minds.
Magmimistula raw kasing isang bar ang Senado kapag nagkataon. With Mocha in the race, meron nang sexy dancer. Idagdag pa si Ka Freddie, meron na ring singer. May pahabol pang Jinggoy Estrada na anila’y pasaway na customer ng bar.
‘Yun naman ay kung papalarin silang manalo, but our wish that they don’t make it does not represent the general electorate. For now, sila pa lang ang matunog na tatakbo, our next wish is that the list ends there, wala na sanang may magsunuran pa.
Natatandaan namin ang kuwento noong sasabak pa lang si Lito Lapid sa pagka-senador. Dati na naman niyang pinamunuan ang lalawigan ng Pampanga, but the action star was wary he might not emerge victories sa isang pambansang tungkulin.
Ang agam-agam noon ni Lito, kesyo ganitong baitang lang daw ang natapos niya. Pero ang ending, nanalo siyang senador. ‘Yun nga lang, the supposed action star revered for his death-defying stunts at tapang sa pelikula turned himself into a cross between a clown and a court jester na pinagtatawanan.
Malay din naman natin, pinagtatawanan ngayon sina Mocha at Ka Freddie sa kanilang ambisyon pero makakalusot?
I love my country, period.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.