UST volleyball player hinamon si Vice: Seryosohan? Kaya mo ba? | Bandera

UST volleyball player hinamon si Vice: Seryosohan? Kaya mo ba?

Ervin Santiago - April 25, 2018 - 04:34 PM

Nakipaglandian si Vice Ganda sa player ng UST Men’s Volleyball team na si Manuel Andrei Medina.

Sa pamamagitan ng Twitter, nagpalitan ng hugot lines ang dalawa na sinimulan nga ni Manuel na nag-tweet ng, “Hello ganda.” Na sinagot naman ni Vice ng, “Hello pogi.”

Dito nagsimula ang pakikipag-flirt ng TV host-comedian sa gwapong atleta, tumagal ang palitan nila ng tweet nang halos isang oras.

Narito ang ilan sa mga kinakiligang tweets ng dalawa. Hamon ni Manuel kay Vice, “Kaya mo ba?” Hirit naman ni Vice, “Hanggang dito ba naman biruan?”

Dito na hinamon ni Vice ang binata na ang gusto niya ay “seryosohan.” Tugon ng UST spiker, “Ang tanong.. kaya mo ba??” Na sinagot naman ng komedyante ng, “Huwag mong simulan kung di paninindigan.”

Humugot naman si Vice na ang hinahanao niya ay isang taong hindi siya paglalaruan na parang bola, kundi yayakapin siya na parang tropeyo. Hirit naman ni Manuel, “Hindi ako marunong maglaro.” Pero sabi ng Showtime host, “game” lang daw ang ginagawa nila kaya hindi siya kailangang mag-focus.

Sagot ni Manuel, “So game lang pala lahat ng to sayo? HINDI NAMAN AKO PAPATALO SIYEMPRE.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending