INIHAIN ang isang petisyon na humihiling sa Korte Suprema na ipatigil ang nakatakdang pagsasara ng Boracay bukas.
Sa isang petisyon, hiniling ng mga petitioner na sina Mark Anthony Zaal at Thiting Jacosalem, kapwa residente ng Boracay, sa Kataastaasang Hukuman na maglabas ng isang status quotr ante sakaling matuloy ang pagsasara.
Sila ay nirerepresenta ng National Union of Peoples´Lawyers or NUPL.
Sinabi nila na paglabag ang pagsasara ng Boracay sa kanilang karapatan, gayun din sa mga nagtatrabaho at nakatira sa isla.
Kabilang sa respondent sa kaso ay sina Pangulong Duterte, Executive Secretary Salvador Medialdea, and Deparment of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Eduardo Año.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.