Kris may 2 eksena sa ‘Crazy Rich Asians’ bilang prinsesa
HINAHANAP si Kris Aquino sa inilabas na full trailer ng foreign film na “Crazy Rich Asians”. The movie is based sa best-selling novel ni Kevin Kwan.
Ito ‘yung biggest break na itinuturing ni Kris sa kanyang acting career. Sinabi niya sa mga nakaraan niyang interview na isang special role ang gagampanan niya sa nasabing international film.
Nakatakda raw ipalabas ang movie sa Aug. 17 sa US pero hindi pa raw alam ni Kris kung kailan ang showing nito sa Asia o sa Pilipinas. Pero kinumpirma nga ng dating TV host na may dalawa siyang eksena sa pelikula bilang “princess”.
Kaya abang-abang na lang tayo kung maisisingit sa next trailer ng “Crazy Rich Asians” ang eksena ni Kris o kapag waley pa rin, watch na lang natin ang full movie kapag ipinalabas na dito sa atin.
Pahinga muna ang Queen of All Media sa giyera niya kay Korina Sanchez dahil may look tests na siyang ginagawa para sa comeback film niya with Julia Barretto at Joshua Garcia.
Sa Instagram naman ni Korina, wala siyang binabanggit tungkol sa sama ng loob sa kanya ni Kris after her interview kay James Yap. Basta ang gusto lang daw niya ay magpalaganap ng positivity, kidness, understanding at love.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.