2018 Philippine SuperLiga Grand Prix semis hahataw na | Bandera

2018 Philippine SuperLiga Grand Prix semis hahataw na

Angelito Oredo - April 24, 2018 - 12:33 AM


Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
4:15 p.m. Petron vs Cocolife
7 p.m. F2 Logistics vs Foton

ILALATAG muli ng kasalukuyang kampeon na F2 Logistics Cargo Movers at Petron Blaze Spikers ang daan para sa muling paghaharap sa kampeonato sa pagsagupa sa magkahiwalay na kalaban sa Game 1 ng best-of-three semifinals ng 2018 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayon sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Sasagupain ng Blaze Spikers ang Cocolife Asset Managers sa unang laro ganap na alas-4:15 ng hapon bago magtapat ang Cargo Movers at Foton Tornadoes sa alas-7 ng gabi na main game sa inaasahang magiging maigting na dobleng salpukan.

Nakatuon ang atensiyon sa F2 Logistics at Petron na inaasahang magpipilit ipagpatuloy ang kanilang championship run sa liga matapos magsagupa sa dramatikong labanan sa nakalipas na finals series ng torneo.

Kapwa itinala ng dalawang koponan ang parehas na 9-1 panalo-talong kartada sa pagtatapos ng classification round bago kapwa binigo ang kanilang mga nakatapat sa quarterfinals na Smart Giga Hitters at Generika-Ayala Lifesavers.

Gayunman, inaasahang magiging mahigpit ang labanan sa semifinals.

Problema ng F2 Logistics sa pagsagupa sa Foton ang pagbabalik ng dating Most Valuable Player na si Jaja Santiago, na katatapos lamang sa paglalaro para sa National University Lady Bulldogs sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball Final Four.

Maliban kay Santiago ay sasabak na rin sa Foton ang mga college stars na sina Diana Carlos at Isa Molde ng University of the Philippines Lady Maroons upang tulungan ang mga import na sina Elizabeth Wendel at Channon Thompson, ang Trinidad and Tobago national team standout, na makakatuwang ang mga local star na sina Dindin Manabat, Gyselle Sy at Maika Ortiz.

“We’re facing a well-oiled machine,” sabi ni Tornadoes head coach Rommel Abella, na nakahanda na sumabak sa giyera at ipakita ang kahinaan ng powerhouse Cargo Movers upang mahubaran ng korona sa import-flavored na torneo na kinukunsidera na pinakamatindi at pinakamalakas na kumperensiya sa Philippine volleyball.

“Still, F2 Logistics has some lapses. We need to pounce on those lapses and show that we want it more than them. We’re ready to triple our effort if we have to. The important thing is to show that we are hungrier and we want it more than them,” sabi pa ni Abella.

Tinukoy ni Abella na kailangan nitong i-neutralize ang mga import na sina Maria Jose Perez at Kennedy Bryan pati na sina Aby Maraño, Kim Fajardo at skipper Cha Cruz kung nais nitong makapagtala ng malaking upset.

Inaasahan din na magiging maigting ang salpukan sa pagitan ng Petron at Cocolife.

Isinagawa ng Asset Managers ang surpresang desisyon na kunin ang serbisyo ni FIVB World Grand Prix veteran Marta Drpa sa kalagitnaan ng torneo habang gumawa rin ng hakbang ang Blaze Spikers sa pagtawag sa betereno na international campaigner na si Katherine Bell kapalit ni Hillary Hurley, na nagtamo ng ankle injury.

Ang 6-foot-1 na dating player ng University of Texas na si Bell ay kilala sa kanyang buong husay sa laro sa kakayanan nito sa mga puwesto na open, opposite hitter at middle blocker. Nakapaglaro na rin ito sa Puerto Rico, South Korea at Turkey bago pumayag maglaro sa Blaze Spikers para sa nais na pagtuntong sa kampeonato.

“She is a hardworking player who can play multiple positions,” sabi ni Petron coach Shaq Delos Santos, na aasa rin kina Lindsay Stalzer, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Molina at Mika Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“She’s a good communicator who loves to motivate her teammates. I hope she can help us reach our ultimate goal, which is to win the title.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending