Horoscope, April 24, 2018 | Bandera

Horoscope, April 24, 2018

Madam Sophia |April 24,2018
facebook
share this

Horoscope, April 24, 2018

Madam Sophia - April 24, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tama ang naisip mong baguhin lahat ng bagay. Palitan ng bago ang lahat ng kasangkapang luma. Kasabay nito, baguhin ang style ng iyong buhok. Sa mahabang buhok susuwertehin ka na sa salapi at pag-ibig. Sa pinansyal, bagong kasosyo ang dapat, isang Capricorn ang tutulong sa iyo upang yumaman. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Simpleng buhay ang susi upang magtagumpay. Huwag gawing kumplikado ang mga bagay-bagay. Manatili sa iisa at dati ng layuninm ang pagpapayaman. Sa pg-ibig, masusuoungan ang ligaya at pag-unlad ng kabuhayan sa isang Sagittarius. Mapalad ang 9, 12, 27, 39, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Lilac at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa araw na ito may sopresang matatanggap, na ikagagalak ng iyong puso. Sa pag-ibig, mamayang gabi, may masarap na romansang mararanasan. Sa pinansiyal, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan, wag mo namang ubusin sa walang kapararang mga bagay ang hawak na pera. Mapalad ang 3, 15, 22, 33, 42 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala-Om.” Red at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Mahirap mapanatili ang iisang ka-relasyon, pero kung iisiping nagkaka-edad ka na, magagawa mo. Sa pag-ibig, panatiliin ang kasuyong Aquarius upang lumigaya. Sa pinansyal, sa produktong may kaugnayan sa high tech na kasangkapan yayaman ka. Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kalil-Homa-Japa-Om.” Pink at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi sa pamamagitan ng emosyon makakamit ang tagumpay kundi sa pamamagitan ng isip at rason. Sa pinansyal, unti-unti na uling aangat ang kabuhayan. Mapalad ang 1, 7, 22, 37, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Green at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Bukas ng umaga gumising ka bago sumikat ang araw. Isulat sa malinis na papel ang mga layunin. Makikita mo, kusa mo rin iyang matutupad. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon. Sa pinansyal, wala sa kasalukuyang trabaho ang ikayayaman. Mapalad ang 8, 17, 29, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Green at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Tama ang desisyong dispatsahin na ang mga taong walang kuwenta. Sa pag-ibig, wag kang maghanap kung saan-saan, di mo ba nakikita, hayan siya at katabi mo lang? Sa pinansyal, ngayong maganda ang pasok ng pera, matuto kang mag-savings. Mapalad ang 5, 14, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana-Om.” Lilac at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa araw na ito ang likas na kagandahan at magnetismo ang aakit ng positibong kapalaran. Panatiliin ang pagsusuot ng kulay na violet at red. Sa pag-ibig higit na nakakikilig ang susunod na romansa. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 4, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.”

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag nang asahang babalik pa ang nakaraan. Ituon ang isipan sa hinaharap. Sa pag-ibig, makuntento na sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 17, 18, 25, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—May oportunidad ng paglalakbay na mabubuksan. Sunggaban agad. Sa pinansyal, sa malayong pook matatagpuan ang pag-unlad. Sa pag-ibig, sa isang pampublikong sasakyan mami-meet ang true love. Mapalad ang 9, 18, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Aum-Jai-Shari-Dosya-Om.” Red at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi dapat magpa-impluwensiya sa gusto ng iba. Ipakita at ipatupad ang sarili mong pasya. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa minamahal. Sa pinansyal, pagkakataon mo ng sumugal sa mga produktong may kaugnayan sa agrikultura at pagkain upang magtuloy-tuloy na ang paglago ng kauhayan. Mapalad ang 5, 14, 17, 26, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Parating na ang suwerte, hindi mo ba nararamdaman? Ngumiti lagi at maging masaya, sa ganyang paraan, darami pang lalo ang iyong pera. Sa pag-ibig sundin ang mungkahi ng pamilya. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om.” Red at black ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Wag umasa sa iba! Sa sariling diskarte matutupad mo na rin sa wakas ang matagal mo nang pinapangarap – ang yumaman! Sa pag-ibig, sa isang paglalakbay may bagong relasyong mabubuo. Sa pinansiyal, ituloy ang pagkukuripot! Mapalad ang 1, 2, 19, 25, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal-Om.” Green at white ang buenas na kulay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending