Jennylyn nilabanan ang ‘phonophobia’ para sa ‘The Cure’ | Bandera

Jennylyn nilabanan ang ‘phonophobia’ para sa ‘The Cure’

Jun Nardo - April 24, 2018 - 12:45 AM

JENNYLYN MERCADO

DAHIL sa bagong teleserye niya sa GMA 7, ang The Cure, na-overcome ni Jennylyn Mercado ang “phonophobia.” Ito ‘yung takot ng isang tao sa malalakas na tunog.

Ayon sa Kapuso Ultimate Star, talagang nilabanan niya ang phobia niyang ito habang ginagawa ang ilang actions scenes sa The Cure.

Bata pa lang daw ay napapraning na siya sa matinding ingay, “Natatakot ako kapag nakakarinig ako ng malakas na putukan. Feeling ko, may nagbabarilan. Kaya tuwing New Year, nasa hotel lang ako para hindi ko margining ‘yung mga paputok. Pag naka-check in ako sa hotel, I feel safe.

“Kaya dito sa The Cure, kabadung-kadabo ako talaga kasi may mga blastings, may barilan, may sumasabog. At malalakas talaga. Kahit na alam kong maayos naman nilang sine-set up iyon, still, may takot pa rin ako.

“Pero tiis-tiis lang. Tina-try ko talagang mawala ‘yung takot, so iniisip ko na lang kailangan kong gawin ang trabaho ko, at maraming maaapektuhan kapag pinairal ko ‘yung takot,” sabi pa ni Jennylyn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending