Alam naman ni Dennis kung ano talaga ang gusto ko! – Jennylyn | Bandera

Alam naman ni Dennis kung ano talaga ang gusto ko! – Jennylyn

- April 22, 2018 - 12:01 AM


NGAYON pa lang ay inaabangan na ng loyal fans ng former couple na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang reunion series nila sa GMA, ang suspense-thriller-drama na The Cure.

Ito ang unang pagkakataon matapos ang ilang taon na magkakasama uli ang dating magdyowa sa isang primetime series ng Kapuso Network. Gaganap si Jen sa The Cure bilang si Charity na isang nurse at asawa ng doktor to be played by Tom Rodriguez habang si Mark naman ay gaganap bilang si Darius, ang magiging kontrabida sa serye.

Siyempre, excited at masaya sina Jen at Mark na muli silang pinagsama ng GMA at natutuwa rin siya dahil pareho na ring happy ang kanilang personal life.

“Masaya ako para kay Mark kasi ang tagal na rin nila (ni Winwyn Marquez). Tsaka happy siya, ‘yun ang importante, masaya ka sa buhay mo,” ani Jen.

E, siya ba happy din? “Masaya, masaya naman. Wag naman sobra, tama lang dapat. Dapat alam natin kung paano ibalanse ang career at lovelife.”

Tungkol naman sa pagpapakasal nila ni Dennis Trillo, hindi pa raw ito mangyayari ngayong taon o sa 2019, “Marami pa akong gustong gawin sa buhay, tsaka marami pa akong gustong tahakin. Malinaw kay Dennis ‘yun. Alam naman namin pareho ‘yun. Balitaan ko kayo. Wala pa talaga.”

Magsisimula na sa April 30 ang The Cure sa GMA Telebabad.

Ito’y sa direksyon ni Mark Reyes kung saan makakasama rin sina LJ Reyes, Jay Manalo, Jaclyn Jose, Ken Chan, Glenda Garcia, Ronnie Henares, Diva Montelaba, Arra San Agustin, Leanne Bautista at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending