Version nina Kyline at Jeric ng ‘Kanlungan’ trending
DAHIL patok ngayon ang tandem ng Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Jeric Gonzales, hindi na kagulat-gulat na nag-hit agad sa internet ang ginawa nilang cover ng “Kanlungan,” ang OST ng Primetime series nila sa GMA na Kambal, Karibal.
Matapos kasi itong i-upload ni Kyline sa kanyang YouYube channel, libo-libong views agad ang naipon nito sa loob lang ng isang araw. As of this writing, meron na itong halos 40,000 views. Ayon sa mga fans, maganda ang chemistry ng dalawa sa music dahil swak ang talent nila together – si Kyline na may malamig na singing voice at si Jeric na talaga namang mahusay sa pagtugtog ng acoustic guitar.
Dagdag pa ng kanilang supporters, personal favorite nila ang cover nilang ito dahil na-highlight ang pagiging total performer ng dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.