NU llamado sa UAAP season 76 | Bandera

NU llamado sa UAAP season 76

Mike Lee - June 26, 2013 - 05:20 PM

ANG sinasabing paghina ng five-time defending champion Ateneo Blue Eagles at ang pagpasok ng mga bagong coaches sa La Salle at Far Eastern University ay ilan sa mga maagang kuwento  sa season 76 ng UAAP men’s basketball na aarangkada sa Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

“This will be an exciting season. Excited ako dahil puwede kaming maging champion pero at the same time ay may nerbiyos dahil lahat ng kalabang teams ay puwede rin kaming talunin,” wika ni Leo Austria, ang coach ng host team Adamson University Falcons.

Balanse man ay hindi naman maitatatwa na ang early favorite para sa taong ito ay hindi ang Blue Eagles kundi ang National University Bulldogs.

May pruweba naman ang tropa ni coach Eric Altamirano dahil nasa koponan pa rin ang two-time Most Valuable Player ng liga na si Bobby Parks Jr. bukod pa sa masipag na 6-foot-7 Cameroonian Emmanuel Mbe.

Pero tumatag ang gitna ng Bulldogs nang makuha ang isa pang Cameroonian na si 6-foot-8 Alfred Aroga na naglaro sa katatapos na FilOil tournament at naihatid ang koponan sa Finals bago nasilat ng University of the East  Warriors sa championship game.
“We’re humbled being tagged as the team to beat yet we have yet to reach the finals.

So, we still have to prove ourselves. But just like what I told the boys, if there is a year where we can do it, this is the year and we have to embraced it,” wika ni Altamirano.

Tatlong bagong coaches ang papasok din sa season 76 at ito ay sina Bo Perasol, Juno Sauler at Nash Racela na didiskarte para sa Ateneo, La Salle at FEU.

Dahil sa pagkakaroon ng mga bagong mentors bukod pa sa pagkawala ng ilang key players ay hindi pinapaboran ang tatlong nasabing koponan sa umpisa ng season.

“Ok ito sa akin pero alam kong hindi payag ang Ateneo communuty. Our concern is the team’s wellness. If we can be 100 percent healthy, we can defend the crown,” pahayag ni Perasol.

“Every team can contend but the two strongest teams are NU and UE.” Si Chito Loyzaga ang siyang iniluklok bilang league commissioner at bagama’t walang mga bagong rules na ilalatag, kumilos ang dating PSC official para maiiwas ang liga sa anumang kontrobersya lalo na kung may kinalaman ang technical aspect.

“Humihingi kami sa board ng dagdag na cameras na gagamitin lamang ng technical committee para mas makita ang nangyayari sa mga lugar na hindi nakukuha ng telebisyon. Magagamit din ito para ma-monitor ang mga referees at kung nasa tama ba ang posisyon nila kung pumipito,” wika ni Loyzaga.

Matatandaan na nagkaroon ng kontrobersya  noong nakaraang season nang pinagtalunan kung wala na sa kamay ni RR Garcia ng FEU ang bola  sa pagtunog ng buzzer na nagresulta sa 77-75 panalo sa National University.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagdesisyon ang dating commissioner na si Ato Badolado na ibasura ang protesta ng NU dahil sa nakita sa camera sa telebisyon pero binaligtad siya ng UAAP board na nagdesisyong i-replay ang kabuuan ng labanan.

Sa Sabado magbubukas ang liga at nangako ang host Adamson ng magarbong pagtatanghal para salubungin ang season 76.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending