Sylvia: Magpapahinga muna ako, ayokong magsawa sa akin ang tao! | Bandera

Sylvia: Magpapahinga muna ako, ayokong magsawa sa akin ang tao!

Alex Brosas - April 21, 2018 - 12:30 AM


Willing pa ring magkontrabida si Sylvia Sanchez kahit nagbida na siya sa The Greatest Love at Hanggang Saan.

Pero after Hanggang Saan na magtatapos na next week ay rest muna si Ibyang.

“Magpapahinga muna ako. Itsa-charge ko muna ang baterya ko para pagbalik ko may maibibigay ako na tamang diskarte, tamang atake kung anuman ‘yung role. Sabi ko nga, sana kontrabida,” say ni Ibyang.

“Wala akong pakialam kung hindi ako bida, eh kasi thankful ako na binigyan ako ng role ng GMA. Thankful ako, sobra. Di ba sinasabi ko sa inyo noon pa, hindi mahirap sa akin bumalik sa pagiging supporting o nanay ng bida basta maganda ‘yung role.

“Hindi mahirap sa akin ‘yun kasi from the very start ay hindi naman ako nangarap maging bida. Nangarap akong maging supporting. Ang habol ko dito longevity.

“Ang habol ko dito pagtanda ko ay nandito pa rin ako. Hindi ‘yung sikat kaagad, tapos biglang later on wala na. Kaya ang sabi ko nga, marami pa akong maio-offer, ibigay lang sa akin ‘yung role. Ipagkatiwala lang sa akin, gagampanan ko nang buong-buo.

“Right now, pahinga muna kasi ayokong pagsawaan ako ng tao and ayokong mapahiya sa kung sino man ang susunod na mag-o-offer sa akin na hindi ko magampanan nang tama ang role. Dito kasi, ang habol ko kasi sa showbiz nandito ako hanggang pagtanda.

“Hindi na ako doon sa sisikat ako, pagkakaguluhan ako. Hindi rin na ‘yung…of course kailangan ko ng pera…hindi na rin ‘yung pera, eh. Ang kailangan ko dito ay fulfilment, passion ko ito, mahal ko ito at dito ako tatanda,” ayon pa sa premyadong aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending