RK Bagatsing bibida sa life story ni Harry Marzan sa MMK | Bandera

RK Bagatsing bibida sa life story ni Harry Marzan sa MMK

- April 21, 2018 - 12:40 AM


BAGO pa siya mapanood sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi, bibida muna si RK Bagatsing sa kauna-unahang pagkakataon sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi, hosted by Charo Santos.

Bibigyang-buhay ng magaling na aktor ang nakakaantig na kwento ng sikat na one-armed surfer ng Baler na si Harry Marzan.

Bilang nag-iisang anak, busog si Harry (RK) sa pagmamahal at atensyon sa kanyang magulang kahit pa nasa ibang bansa ang kanyang amang si Nestor (Cris Villanueva). Ngunit nagbago lahatng iyon nang kinailangan ng inang si Sylvia (Maricel Morales) na sundan si Nestor dahil sa sakit nitong lymphoma.

Mas gumulo pa ang sitwasyon ng kanyang pamilya nang biglang umuwi si Nestor mag-isa na wala ang ina at hindi kalaunan ay namatay na rin dahil sa sakit nito.

Imbes na maghari ang galit sa ina, lumaki pa rin siyang maayos at nahilig pa siya sa surfing dahil na rin sa tulong ng kanyang Lola Soleng (Gina Pareño) at Lolo Pedro (Crispin Pineda).

Ngunit isang matinding hamon muli ang susubok sa katatagan ni Harry nang ma-aksidente siya na nagresulta sa pagkaputol ng kanyang isang braso.

Paano kaya hinarap ni Harry ang pagsubok? Paano kaya muling nahikayat si Harry na ipagpatuloy ang pag-susurfing?

Makakasama rin sa MMK episode na ito sina Inigo Delen, Mara Lopez, Luis Hontiveros, Robert Bermudez at Harold Bermudez.

Ang episode na ito ay sa direksyon ni Raz dela Torre, sa panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda dela Cerna.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending