PATAY ang anim na miyembro ng pamilya, samantalang sugatan ang isa pa matapos ang masaker sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija, ayon sa mga otoridad.
Sabi ng San Leonardo Police Station na nangyari ang insidente ganap na alas-4:30 ng umaga sa loob ng isang apartment sa Barangay Tambo Adorable.
Sinabi ng mga otoridad na pinagtataga ng suspek na nakilalang si Jessie Tesoro, ang kanyang live-in partner na si Jennifer Caballero, gayundin ang mga kamag-anak ng biktima na sina Abby Caballero, Leonila Caballero, Josua Caballero, Sergio Caballero, at Sonny Custodio.
Nakaligtas naman si Annalyn Caballero at kasalukuyang ginagamot sa PJG Hospital sa Cabanatuan City.
Nagsasagawa na ng manhunt laban sa suspek.
Inaalam pa ang motibo ng pagpatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.