Tatay na walang ‘backbone’ | Bandera

Tatay na walang ‘backbone’

Beth Viaje - April 20, 2018 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po ateng Beth.

May itatanong lang po ako tungkol sa problema ko sa mga magulang ko. Solo akong anak, pero may-asawa na ako at may sariling pamilya na. Nagkahiwalay ang mama at papa ko. Oo, ateng Beth, kung kelan sila nagsitanda doon pa naghiwalay. Hindi ko naman masisi si mama na iwan si papa, dahil parang sa buong buhay ko si mama lang talaga ang bumuhay at nagpaaral sa akin.

Si papa, oo andyan lang siya, pero parang display lang. Yung sabi nila walang backbone.
Kahit ganon, naaawa pa rin ako sa papa ko. Wala na siyang katuwang. Si mama naman, kaya niya mag-survive.

Anong gagawin ko sa papa ko?

Minda, Catarman, Northern Samar

Minda,

Am glad you understand kung san nanggagaling si mama mo.

Nakakapagtaka minsan na kung kelan sila tumanda na, saka pa naghihiwalay di ba? Maraming ganyan. Matagal yung realization na hindi pala nila gusto yung ganong buhay, habang yung iba ay talagang na-fall out of love na talaga.

Siguro all those years, nagtiis si mama mo for your sake. So ngayong lumaki ka na, nagkaasawa at nagkaanak, time na niya para intindihin ang sarili niya.

‘Wag mo sana akong ma-misinterpret. Hindi mo kasalanan na nagtiis si mudra sa tatay mong walang backbone. I’m sure she did it for love.

Ang tanong, ano gagawin mo sa tatay mong dikya (walang backbone di ba?!) E di hayaan mo siya.

May pamilya ka na, iyon ang priority mo. Ang asawa at (mga) anak mo ang dapat mong intindihin.

Hayaan mo ang tatay mo na mabuhay sa sarili niyang paa. Baka kahit medyo late na, tubuan siya ng backbone, hehehe…or suyuin sa mama mo na makipagbalikan.

So for his sake hayaan mo siyang mabuhay. Hayaan mo siyang mag adhika sa sarili niya at gumawa ng paraan.

At sana maging aral yan sa yo. Wag beybihin ang asawa. Hayaan silang magpakalalaki at hayaan silang dumiskarte. Suporta ka lang, hindi nanay niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So unless humingi ng tulong sa yo at talagang kailangan ng tulong ng tatay mo, hayaan mo sya sa buhay nya. Matanda na sya, dapat may pinagkatandaan siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending