Grab semplang kapag pumasok kapalit ng Uber | Bandera

Grab semplang kapag pumasok kapalit ng Uber

Ira Panganiban - April 20, 2018 - 12:10 AM

NITONG linggo ay nakita natin kung papaano nabuko ng LTFRB ang Grab sa kanilang ginagawang paniningil nang sobra sa kanilang mga customers.

Una ay iba-iba ang klase ng unang singil nila sa mga platform na kanilang iniaalok. Kunwari ay P40 ang first charge nila, o flag down rate, subalit pag lumipat ka sa ibang model ng sasakyan tulad ng SUV o 6-seater ay biglang magiging P80-P120 ito.

Pero ang pinakamalupit na hidden charge ng Grab ay ang kanilang P2/minute travel charge na binuko ni Partylist Rep. Koko Nograles (PBA). Sa pagdinig ng LTFRB noong Martes, nagpaikot-ikot muna ng sagot si Brian Cu, CEO ng Grab, bago tuluyang inamin na totoong meron silang travel charge.

Inamin din ni Cu na hindi ito makikita sa ibinibigay na presyo ng Grab application bagkus ay bigla na lang itong lalabas pagdating sa dulo. Isipin mo nga naman na bukod sa, halimbawa ay P200 na bayad sa isa’t kalahating oras na biyahe ay may dagdag ng P180 dahil sa tavel charge.

Iginiit pa ni Cu sa mga press conference niya na pinayagan sila ng LTFRB na ipatupad ang P2/minute travel charge sa meeting nila sa Technical Working Group noong 2017.

Pero mariing sinabi ni LTFRB Chairman sa akin na nagsisinungaling si Cu dahil nabanggit lamang ito noon at walang naging pahintulot o memorandum na nagsasabing puwede nila gawin ito.

Iniutos na kahapon ng LTFRB sa Grab na ihinto ang P2/minute travel charge nila at isoli sa mga mananakay na nabiktima nila ang sobrang bayad na ito.

Mukhang ginagaya ng Grab ang estilo ng Uber sa pamamalakad nila ng negosyo.

Nauna nang sinabi ni Cu na hindi ang pasahero ang kanilang kliyente kundi ang mga driver nila at ang mga driver naman ang may kliyente sa mga pasahero.
Ito siguro ang dahilan kung bakit sobrang arogante ang mga driver ng Grab at sumama nang sobra ang serbisyo ng ride-hailing service.

Sa kabilang banda naman, mabilis na naglabas ng pahintulot ang LTFRB sa dalawang ride-hailing app company upang punan ang serbisyong nabakante ng umalis na Uber.
Naniniwala ang LTFRB na sa ganitong paraan lamang mapapatigil ang masamang serbisyo ng naging panandaliang monopoly ng Grab.

Ang dalawang bagong TNC’s (mga kumpanya ng transport service na makukuha sa mobile phone app) na binigyan ng accreditation ng LTFRB ay ang Hype Transport Service at ang Hirna Transport.

Ang Hype ay isang bagong kumpanya at hindi ko pa makita ang kanilang app sa iOS Appstore o Google Play. Ang Hirna naman ay isang Davao based TNC na nagseserbisyo na roon at palalawakin lamang ang scope ng kanilang operasyon sa Metro Manila.

Nakaabang din ang mga TNC’s na Owto, MiCab, U-Hop at Golag para aprubahan ang kanilang application. Kapag nangyari ito ay maaaring umayos ang serbisyo ng mga TNVS drivers dahil marami na ulit pagpipilian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending