1,100 pasahero ng MRT3 pinababa dahil sa nasirang pinto ng tren
Leifbilly Begas - Bandera April 19, 2018 - 05:10 PM
Nasira ang pintuan ng tren ng Metro Rail Transit 3 ngayong hapon kaya pinababa ang may 1,100 pasahero nito.
Ang tren ay nasiraan ala-1:17 ng hapon sa south bound lane ng Ortigas Avenue station.
Dumating ang sumunod na tren makalipas ang anim na minuto.
Isa sa sanhi ng pagkasira ng pintuan ng tren ang pagsandal o pagpilit na buksan ito.
Paalala ng MRT3: “Ang pintuan ng tren dinadaanan, hindi sinasandalan. Huwag na itong pwersahin dahil kusa rin itong bumubukas at sumasara.
Para iwas aberya, sumunod tayo sa mga regulasyon sa pagsakay ng tren.”
Nanawagan din ang MRT3 sa mga pasahero na “paalalahanan” ang mga makikitang pasaway sa aberya na maaaring idulot ng kanilang ginagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending