Numero unong babaero: bolero | Bandera

Numero unong babaero: bolero

Ramon Tulfo - April 17, 2018 - 12:15 AM

KASAMA ang inyong lingkod sa pangatlong pagdalaw ni Pangulong Digong sa China at Hong Kong noong nakaraang linggo.
Nakita ko ang royal treatment na binigay sa kanya ng China government sa Boao, isang postcard-perfect convention town sa Hainan province, at Hong Kong.
Mas marami pang security detail ang ating Pangulo kesa ibang delegado na dumalo sa Boao Forum for Asia Annual Conference na dinaluhan ng 20 chief executive officers o CEO sa malalaking kumpanya sa US at China at iba pang mayayamang bansa sa mundo.
Sa Hong Kong, napakahigpit ng security na kahit mga taga roon na gustong makita si Digong ay di pinayagan sa loob ng Intercontinental Hotel kung saan nakacheck-in ang presidential entourage.
Ang hotel at paligid nito ay napaligiran ng mga unipormado at nakasibilyan na mga pulis at military.
Ang local government ng Hong Kong ay naglagay ng metal detecting machines at mga sniff dogs sa pasukan ng hotel at lahat ng guests ay kelangang ma-inspeksyon.
***
Di ko na irereport ang malaking tagumpay ng pangatlong bisita ng Pangulo sa China since he assumed office dahil ito’y nasa mga balita na.
Pero ilalahad ko ang aking nakita kung paano tinanggap ng mga OFW sa Hong Kong si Digong.
Ang lugar ng meeting ni Digong sa mga 2,500 OFW ay naganap sa dating Kai Tak International Airport, na ngayon ay sarado na. May bago na kasing international airport.
Pagpasok ko sa pintuan papuntang convention hall, nakita ko ang mga ilang daang mga Pinay at Pinoy na naghihintay na makapasok.
Nakilala ang inyong lingkod ng ilan sa kanila at umapela kung puede kong ipakiusap na papasukin sila.
May ilan sa kanila ang paluha na nagsabi sa akin na malayong distrito sa Hong Kong ang kanilang pinanggalingan at humingi sila ng pahintulot sa kanilang mga employers na dumalo sa meeting.
Ang mga miyembro ng presidential entourage—protocol officers, consular officials at presidential security group—na nasa pintuan ang nagsabi na wala silang magawa dahil ang Hong Kong police were running the whole show.
Walang paki-pakiusap sa mga pulis sa Hong Kong.
Yung mga hindi pinapasok ay wala sa listahan ng mga dadalo sa meeting.
Kahit na ang isang Hong Kong journalist na wala ang pangalan sa registry ay di pinahintulutang pumasok.

***

Nang si Digong ay pumasok sa venue ng meeting, nagsigawan ang mga OFW ng “Digong, Digong!”
Nakakabingi ang palakpakan at sigawan.
Nang magtalumpati na ang Pangulo, marami sa audience ang nakitang umiiyak dahil marahil sila’y naho-homesick.
***
Sa kanyang talumpati, the President officially apologized in behalf of the Philippine government sa China doon sa pagkakapatay ng 20 Hong Kong tourists noong August, 2010 sa Luneta hostage crisis.
Hindi humingi ng paumanhin ang tarantadong presidente natin noon, si Noynoy Kuyakoy, dahil sa insidente.
Ang hindi alam ng karamihan sa atin ay isang bilyonaryong Chinese na naninirahan sa Hong Kong, si Xu Mingliang, ay nagbigay ng compensation doon sa mga pamilya ng mga namatay upang maibsan ang galit ng mga taga Hong Kong sa mga Pinoy na nagtatrabaho doon.
Si Xu, na may pangalang Pinoy na Jose Kho, ay president and founder ng Friends of the Philippines Foundation.
***
Sa ika-70 na birthday ni Elizabeth Zimmerman, dating esposa ng Pangulo, sinabi ni Digong na kung may pagkakataon ay papakasalan pa rin niya ito.
“Given another chance, another life, I would still marry Elizabeth. Because that is love,” sabi ng sertipikado at numero unong babaero in tribute to the former flight attendant ng Philippine Airlines.
Yan ang babaero: bolero.
Hehehe!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending