CHARICE kay ALING RAQUEL: Hirap na po akong magpanggap, ayokong lokohin ang sarili ko! | Bandera

CHARICE kay ALING RAQUEL: Hirap na po akong magpanggap, ayokong lokohin ang sarili ko!

Cristy Fermin - June 26, 2013 - 02:28 PM

Nu’ng isang gabi, sa Ang Latest Uplate, ay diretsong inamin ni Charice Pempengco ang kanyang naramdaman pagkatapos niyang ipahayag sa buong mundo ang tunay niyang kasarian na maraming taon na niyang itinatago lang.

Unang pinakamasarap na tulog at gising kinabukasan ang kanyang naramdaman, wala na kasing pagpapanggap, malaya na siya dahil sinabi at inamin na niya ang katotohanan.

Pero sa gitna ng kaligayahang rumehistro sa buo niyang pagkatao ay nandu’n pa rin ang pangamba, paano kaya siya tatanggapin ng ating mga kababayan sa kanyang inamin, paano ang kanyang pamilya na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap-tanggap ang kanyang pagkatao?

Umaasa ang international singer na isang araw ay magiging maayos din ang lahat sa kanila ni Nanay Tessie at ni Aling Raquel, tutal naman ay wala nang pamimilian ang mga ito, inamin na niya sa publiko ang tunay niyang damdamin.

Ayaw na ayaw ng kanyang lola at ina sa karelasyon niyang si Alyssa Quijano, bata pa lang daw kasi sila ay inilalaglag na siya nito, pero katwiran ni Charice ay napakabata pa nila nu’n para maunawaan ang salitang kumpetis-yon.

Ang alam lang nila ay gusto nilang kumanta, gusto lang nilang sumali sa mga amateur contest para ipakita ang kanilang talento, ganu’n lang ang kanilang alam sa napakamura nilang edad noon.

“I just hope that one day, they will understand why I did it. Hirap na kasi akong magpanggap, ayokong lokohin ang sarili ko, pati ang publiko,” nasabi na lang ni Charice.

Walang makatutumbas sa kaligayahang makikita sa mukha ng international singer ngayon, si Alyssa Quijano ang palaging dahilan ngayon ng masaya niyang paggising, mali na kung mali pero ‘yun ang totoong-totoo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending