Joshua OA daw: Ganu’n ba kalaki ang kasalanan mo kay Julia!?
OA para sa ilang netizens ang reaction ni Dennis Padilla sa controversial issue which involved Joshua Garcia, his daughter, Julia Barretto’s boyfriend.
Naging viral kasi ang convo ni Joshua at isang beautiful teen na naging dahilan ng spat nila ni Julia. In his recent interview, Dennis admitted he was disappointed sa ginawa ni Joshua.
“Oo naman. Siyempre anak mo ‘yun eh, ‘di ba?” he said when asked kung na-disappoint siya kay Joshua.
“Joshua usap tayo pag may time ka. Tawagan mo ako o kaya i-text mo ako, magkita tayo gusto kitang makausap. Si Julia hindi ko na kailangang kausapin ‘yun wala namang problema sa anak ko eh,” pahabol pa ng komedyante.
For some netizens, over-acting si Dennis.
“OA OA OA SOBRANG OA MO DENNIS PADILLA! You act as if you’re so clean? LET’S CHECK YOUR RECORD? YOU JUST WANT ATTENTION AT THE EXPENSE OF YOUR DAUGHTER. PATHETIC!
AND REGARDING JOSHUA…OA MO RIN! PARANG ANG LAKI NAMAN NG KASALANAN MO? It’s a petty LQ wag na lang palakihin.”
“Gusto lang sumikat nitong Dennis P. KSP! Wala namang issue.”
“KSP c tatay. Hahahaha. Mas matindi pa nga siguro ginawa mo nong kabataan mo pa. Comment lang nman pala pinalaki nyo pa.”
q q q
Inamin ni Eric Tai, more popularly known as Eruption, na naging casualty siya sa reformat ng It’s Showtime.
“Well, siyempre, there was a reformat sa Showtime. Kailangang tanggapin na me and Coleen (Garcia), we will have to go dahil sa reformat,” Eric mused sa blogcon for Bagani. Isa si Eric sa mga tulisan sa nasabing teleserye where he plays Higa (short for higante).
“Straight after that, kailangang isipin ang puwede nating gawin sa buhay. And then Amazing Race Asia came up. Me and my wife did it and it was a big accomplishment sa amin, kasi bihira ang mag-asawa na sumali sa reality TV show. We’re really proud of that.
“Ever since then, nag-focus ako sa sariling business and hosting events. I was trying to stay in the limelight as much as possible kais hindi puwedeng mawala sa mainstream. If you can, try and get as much exposure as you can,” he recalled.
Lesson para kay Eric na pagbutihin ang kanyang role.
“Nagsimula ako sa La Luna Sangre. Ang isang bagay na natutunan ko whenever you get a role, do the best that you can. Work your butt off. Hindi mo alam baka the next day or next week week ay tatawagan ka. Dahil sa Bagani, I was given a shot as higante lang, ‘yung nilabas two weeks ago. Sabi ni direk Lester, ‘nagustuhan namin ang acting mo. Hindi namin alam na meron kang ganyan, kasi sa Showtime puro ka patawa, sayaw, hataw-hataw.’ When I did that, an opportunity came and gave me another role,” he said.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.