Iba rin: Kilalang aktor wais sa pera, tatablahin lahat kapalit ng milyones | Bandera

Iba rin: Kilalang aktor wais sa pera, tatablahin lahat kapalit ng milyones

Cristy Fermin - April 15, 2018 - 12:15 AM


AYON sa mga nakapalibot sa isang kilalang aktor ay never na siyang gagawa ng anumang proyekto na kasama ang isang female personality na naging bahagi ng kanyang buhay.

Kahit daw gaano pa kalaki ang halagang ialok sa kanya ay hindi pa rin ang kanyang isasagot dahil ayaw niyang paglaruan ng publiko ang kanyang personal na buhay.

Kuwento ng aming source, “’Yun ang sabi niya sa mga friends niya, never na raw siyang tatanggap ng kahit anong work na ang girl na ‘yun ang makakasama niya.

“Kahit pa raw gaano kalaking amount ang ialok sa kanya, e, never niyang tatanggapin dahil ayaw nga raw niya ng magulong buhay! Ang tanong naman ng marami sa sinabi niyang ‘yun, e, mamatey?

“Kasi nga, di ba, siya ang sinisisi kung bakit hindi natuloy ang project na dapat, e, pagtatambalan nila pagkatapos nang mahabang-mahabang panahon?

“Siya ang itinuturong dahilan dahil ang dami-dami raw niyang hinihingi, lalo na sa issue ng talent fee. Kailangan daw mas malaki ang sa kanya dahil kapag sumemplang sa box-office ang pelikula, e, saan na lang daw siya pupulutin?

“So, parang maraming nagdududa sa sinabi niya na kahit milyones pa ang offer sa kanya, e, hindi pa rin niya ‘yun tatanggapin. Para sa mga miron, e, siya pa ba naman ang magsasalita tungkol sa pera?

“Siya pa ba naman ang maaasahan nating tatanggi sa milyones na alok, e, kilalang-kilala nga siya sa pagiging marekotitos pagdating sa kadatungan?” mahabang komento ng aming source.

Ang tanungan ngayon ay kung papayag din ba naman ang pamosong female personality na gumawa pa ng proyektong kasama siya? Kung tatanggihan niya ang malaking offer ay tanggapin naman kaya ‘yun ng babae?

Balik-komento ng aming impormante, “Sukatin ba ang girl sa pera? Sa totoo lang, ang girl ang may karapatang magsabi na gaano man kalaki ang offer, e, tatablahin niya, dahil hindi niya na kailangan ng datung!

“Hindi ang lalaki ang puwedeng magmalaki, wala siyang image na ganu’n, sa totoo lang, dahil masyado siyang mabusisi pagdating sa datung!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alam na, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, obyus na obyus na kung sinu-sino ang mga bumibida sa istoryang ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending