Preso dedbol sa init | Bandera

Preso dedbol sa init

- April 12, 2018 - 05:11 PM
Isang preso ng Pasay City Jail ang namatay at anim na iba pa ang isinugod sa ospital matapos na mawalan ng malay-tao dahil sa init kahapon. Si Domingo delos Santos, 30, ang ikatlong preso na namatay sa loob ng selda mula noong Pebrero. Ayon kay Chief Insp. Rogelio Hernandez, ng Pasay City Police, nag-ingay ang mga preso alas-10:30 ng gabi kahapon upang kunin ang atensyon ng mga bantay matapos na mawalan ng malay-tao ang kanilang mga kasamahan. May 143 preso sa male detention cell ng Station Investigation and Detective Management Branch.  May sukat itong 22.8 metro kuwadrado na para lamang sa 40 preso. Dinala ng rescue team ng lokal na pamahalaan ang mga preso sa Pasay City General Hospital. Si delos Santos ay idineklarang dead on arrival alas-11:15 ng gabi. Tatlong linggo ng nakakulong si delos Santos na hinuli dahil sa ipinagbabawal na gamot. Nabatid na hinimatay na siya noong umaga subalit nagising din. Ibinalik naman kahapon ang limang preso pero nanatili sa ospital si Eric de Leon.
Upang mabawasan ang siksikan, inilipat mula ang 14 na babaeng preso sa opisina ng mga imbestigador at ipinagamit ang female detention cell sa mga lalaki.

Mayroon na ring umiikot na medic sa mga kulungan kada dalawang oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending