INIHAYAG ng Korte Suprema na nakatakda nang ilabas ang resulta ng 2017 Bar examination sa Abril 26.
Magkakaroon ng special en banc ang mga justices para sa deliberasyon ng resulta ng bar examination.
Sinab ni SC Information Chief Atty. Theodore Te na si 2017 Bar Exams Committee Chair Justice Lucas P. Bersamin ang maghahayag ng opisyal na resulta.
Ilalabas ang pangalan ng mga nakapasa sa screen ng SC quadrangle at ipo-post din sa website ng SC.
Umabot sa 6,750 ang nakakumpleto ng bar exam na tumagal ng apat na Linggo mula sa orihinal na 7,227 na inisyal na bilang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.