Net rating ni Du30 bumaba pero mataas pa rin | Bandera

Net rating ni Du30 bumaba pero mataas pa rin

Leifbilly Begas - April 11, 2018 - 07:32 PM
Bumaba subalit nananatiling mataas ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).     Sa survey na ginawa mula Marso 23-27, nakakuha si Duterte ng 56 porsyentong net satisfaction rating (70 porsyentong satisfied, 14 porsyentong dissatisfied at 17 porsyentong undecided), mas mababa sa 58 porsyento na naitala nito noong Disyembre.     Pinakamataas ang satisfaction rating na nakuha ni Duterte sa Mindanao na naitala sa 87 porsyento, sumunod sa Visayas na 75 porsyento, Metro Manila na 72 porsyento at ang pinakamababa ay iba pang bahagi ng Luzon na 58 porsyento.     Ang pinakamataas na dissatisfaction rating ay iba pang bahagi ng Luzon (19 porsyento), sunod ang Metro Manila (18 porsyento), Visayas (9 porsyento) at Mindanao (5 porsyento).     Ang pinakamababang net satisfaction rating na nakuha ni Duterte ay 48 porsyento sa survey noong Setyembre 2017.     Ang pinakamataas na net rating naman ay 66 porsyento noong Hunyo 2017.     Ang survey ay mayroong 1, 200 respondents at error of margin na plus/minus 3 porsyento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending