Mai-impeach si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez mangyayari ito kapag nagbalik sesyon na ang Kongreso sa Mayo. “It will be done once we resume sessions,” ani Alvarez ng hingan ng reaksyon sa pahayag ni Pangulong Duterte na dapat maalis sa puwesto si Sereno. Bago bumiyahe patungong China, sinabi ni Duterte: “I’m putting you on notice that I’m your enemy and you have to be out of the Supreme Court.” Sinabi ni Duterte na kakausapin niya si Duterte upang maging bilisan ang impeachment kay Sereno. Bago ang Holy Week break ng Kongreso, inaprubahan na ng House committee on justice ang report na nagsasabi na may batayan ang pagtanggal kay Sereno. Kailangan itong aprubahan ng Kamara de Representantes at sa pamamagitan ng one-third vote o 98 boto ng 292 kongresista ay mai-impeach si Sereno. Susundan ito ng paghahain ng impeachment case laban kay Sereno sa Senado na magsasagawa ng impeachment trial. Kailangan ng two-thirds ng mga senador upang matanggal si Sereno sa puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.