Interest, penalty sa SSS tuloy | Bandera

Interest, penalty sa SSS tuloy

Lisa Soriano - June 26, 2013 - 07:00 AM

Dear Liza,

Gud day! Mayron sana akong gustong ihingi sa yo ng tulong. Tungkol ito sa aking SSS. Mayron akong kasalukuyang salary loan na hindi ko pa nababayaran simula ng ito ay aking matanggap noong taong 2003 sa kadahilanang ako ay nawalan ng trabaho. Batid kong lumalaki ang tubo nito. Pwede bang iwaive ang interes nito? Nais ko rin sanang itanong kung maaari ko pa itong ipagpatuloy. Ano ang dapat kong gawin? Sana ako ay matulu-ngan ninyo. Thanks.
Maricar
REPLY:Ito ay bilang tugon sa katanungan ni Ms. Maricar ukol sa kanyang loan balance.

Nais po naming ipaalam kay Ms. Maricar na hindi pa maaaring ma-waive ang interest ng loan. Ang interest at penalty ng loan ay patuloy na tataas hanggat hindi nababayaran ng buo ang loan. Pinapayuhan namin siya na sa oras na mayroong siyang kakayahang bayaran ang loan ay gawin ito. Maaaring bayaran ang loan ng buo o installment.

Nagtanong din si Ms. Maricar kung “maaari itong ipagpatuloy”. Kung ang tinutukoy niya dito ay ang pagpapatuloy ng pagbabayad ng contributions, maaari po batay sa ilang conditions. Para sa mga member na hindi pa umaabot sa 65 years old bago April 1, 2013, kailangan lang nilang magbayad sa mga bayad center, accredited bank ng SSS, sa mga SSS offices na may tellering service gamit ang SSS Form RS-5.

Ang mga miyembrong 65 years old na o higit pa bago April 1, 2013 ay maaaring magpatuloy ng paghuhulog ng kanilang contributions kung sila ay magpa-file ng Application for Voluntary Payment of Contributions for Members Aged 65 years old or over. Ang mga application para dito ay tatanggapin ng SSS hanggang July 1, 2013. Kailangan din na ang halaga ng kanilang ibabayad ay ibabatay sa monthly salary bracket kung saan nakapaloob ang huli nitong hulog. Hindi rin dapat lumiban sa pagbabayad ang member hanggang sa mabuo ang 120 monthly contributions na required para sa lifetime retirement pension.

Sa kaso naman ng mga members na magiging 65 years old sa April 1, 2013 o pagkatapos nito ay maaari ding payagang magpatuloy ng pagbabayad ng contributions batay sa ilang condition.

Una, kailangan sila ay miyembro na ng SSS ng hindi hihigit sa edad na 55. Kailangan din na mayroon na silang hindi bababa sa 80 buwanang hulog.

Importante na makapag-file sila ng application para sa pagpapatuloy ng contributions sa loob ng buwan matapos ang buwan ng kanilang ika-65 na kaarawan. Ang halaga ng kanilang ibabayad na contribution ay ibabatay sa monthly salary bracket kung saan nakapaloob ang huli nitong hulog. Hindi rin dapat lumiban sa pagbabayad ang member hanggang sa mabuo ang 120 monthly contributions na required para sa lifetime retirement pension.

Ang mga forms ng SSS ay maaaring ma-download mula sa www.sss.gov.ph.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang mga katanungan ni Ms. Maricar. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL
FRANCISCO
SOCIAL SECURITY OFFICER IF
MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending