Anne napilit ni Erik Matti na magkontrabida sa Darna; bagay mag-ala-Mystique ng X-men
Hmmmm, mukha ngang si Anne Curtis na ang gaganap na kontrabida ni Liza Soberano sa “Darna.”
Bukod kasi sa pagiging open ng aktres-TV host na makaganap ng kontrabida role sa alinmang Mars Ravelo novel, may tsikang nakumbinsi na rin ni direk Erik Matti si Anne while they were filming “Buy Bust” na siya ring magdidirek ng muling paglipad ni Darna sa big screen.
Kung matutuloy ang pagiging villain ni Anne sa “Darna” siguradong malaki rin ang maitutulong niya para maging super blockbuster ang pelikula dahil nga first time niyang gaganap na “evil”.
Ang tanong na lang kung siya na ba talaga ang gaganap na Valentina o ibang kontrabida role na ang ipagagawa sa kanya para maging kaabang-abang naman sa manonood?
Pero kung kami ang tatanungin mas magiging exciting at bago sa panlasa ng viewers kung ang ibibigay na karakter ni Anne ay parang si Mystique sa Hollywood film na “X-Men” na may kakayahang magbagu-bago ng anyo.
Dito, pwede rin niyang kopyahin si Darna habang naghahasik ng lagim. Ano sa palagay n’yo mga ka-BANDERA?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.