Sara Duterte, Alvarez nag-shake hands | Bandera

Sara Duterte, Alvarez nag-shake hands

Leifbilly Begas - April 06, 2018 - 06:56 PM
Nagkamay sina Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte at House Speaker Pantaleon Alvarez sa isang dinner ng mga kaalyado ng administrasyon sa Sofitel Philippine Plaza, Pasay City kagabi.     Dumalo si Pangulong Duterte sa post birthday celebration na inorganisa ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at kanyang misis na si Wen.     Sinabi ng alkalde na sinabihan siya ng kanyang ina na maging mabuti kay Alvarez at sinabihan ng kanyang ama na huwag magkimkim ng galit dito.     Nakaharap ng mayor si Alvarez habang naglalakad kasama ang kanyang ama upang batiin ang mga bisita.     Katabi naman ng mayora sa presidential table si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.       Nagbigay ng speech ang Pangulo at pinangunahan ang pagkanta ng Happy Birthday kay Arroyo na nagdiwang ng kanyang ika-71 kaarawan noong Huwebes.     Nang magkausap ang dalawa, sinabihan ni Arroyo si Duterte na sabihan si Alvarez na wala siyang ambisyon na maging speaker.     Nauna ng napabalita na napipisil si Arroyo na maging kapalit ni Alvarez matapos nitong makainitan si Mayor Duterte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending