Mga solon nagpaalam sa korte, sasama sa biyahe ni Du30 | Bandera

Mga solon nagpaalam sa korte, sasama sa biyahe ni Du30

Leifbilly Begas - April 06, 2018 - 06:00 PM
Pinayagan ng Sandiganbayan ang ilang kongresista na sumama sa biyahe ni Pangulong Duterte sa China sa susunod na linggo.     Inaprubahan ng korte ang mosyon nina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte,  Bohol Rep. Arthur Yap at Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr.  na dumalo sa Boao Forum sa Hainan, China.     Kailangang magpaalam sa korte ng mga kongresista dahil mayroon silang kinakaharap na magkakahiwalay na kaso.     Si Yap ay nahaharap sa dalawang kaso ng graft kaugnay ng maanomalya umanong paggamit ng pork barrel ni ex-Misamis Occidental Rep. Marina Clarete sa Third Division.     Sinabi ni Yap na naimbitahan siya ng Office of the President sa biyahe ng pangulo sa China mula Abril 9-13.     Inaprubahan din ang mosyon ni Yap sa Sixth Division kung saan nakabinbin ang mga kaso nina Villafuerte at Floirendo.     Sa mosyon ni Floirendo sinabi nito na matapos ang pagsama sa pangulo sa Abril 9-10, nais din niyang pumunta sa Hong Kong mula Abril 10-13 para sa isang working visit.     Si Floirendo ay kinasuhan kaugnay ng maanomalya kaugnay ng pagpasok umano sa kontrata ng Tagum Agricultural Development Corp., kung saan siya opisyal kahit na kongresista na, sa Bureau of Correction.     Nahaharap naman si Villafuerte sa kasong katiwalian kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng produktong petrolyo ng probinsya kung kailan siya pa ang gubernador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending