MRT officials nagkainitan, muntik magkasakitan
Nagkainitan ang mga opisyal ng Metro Rail Transit sa isang pagpupulong kaugnay ng pagpapaganda ng serbisyo ng mga Line 3.
Ayon sa inisyal na impormasyon, sinugod at akmang susuntukin ni MRT General Manager Rodolfo Garcia si MRT director for operations na si Mike Capati sa kanilang pagpupulong sa MRT depot sa North Avenue, Quezon City.
Nasa Joint Advisory Panel meeting umano sina Capati, Usec. TJ Batan at mga kinatawan ng AusAID at Asian Development Bank ng dumating si Garcia.
Pinagbuksan umano ni Capati ng pintuan si Garcia. Pero biglang hinablot ni Garcia si Capati sa damit at umakma na susuntukin.
Kinukuwestyon umano ni Garcia ang pakiki-alam ni Capati sa tanggapan nito.
Posible umano na nagalit si Garcia ng ipaalam ni Capati kay Transportation Sec. Arthur Tugade ang hindi pag-renew ni Garcia sa 39 na empleyado ng maintenance transition team, anim dito ay staff ni Capati.
Ang 33 naman ay mga engineer na kailangan sa pagsasaayos ng MRT.
May mga nagsasabi na pumanig si Tugade kay Capati na ikinagalit ni Garcia.
Matapos ang pagtatanong ng media, nagpalabas kahapon ng pahayag ang DoTr-MRT kaugnay ng insidente.
“We wish to note that it is normal in any organization for there to be, at times, heated management situations, especially with individuals who are passionate about delivering on that organization’s mandate,” saad ng pahayag. “The DOTr and the entire MRT-3 organization are fully committed, and are passionate in fixing MRT-3, so we can deliver on our mandate of delivering a comfortable commuting experience to its more than 500,000 daily passengers.”
Umapela rin ang DoTr-MRT ng pang-unawa sa media.
“We would like to therefore appeal to our friends in the media to understand that this is not an overly extraordinary organizational matter, and that the DOTr and MRT-3 will handle this in a professional manner,” saad sa pahayag. “We will continue to understand and manage this matter internally, and solve it as one DOTr family.”
Samantala, ibinalita naman ng DoTr-MRT na pinirmahan na ang Minutes of Discussion for the Fact Finding Mission ng DOTr at JICA para sa MRT-3 Rehabilitation and Maintenance Project na popondohan ng Japan.
Ito ang ikalawang bahagi ng tatlong Phase ng “fix MRT-3 strategy”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.