700,000 biyahe ng eruplano sa Boracay nawala
Umabot sa 700,000 biyahe ng eruplano patungo sa Boracay ang kinansela ng mga airline companies matapos ipag-utos ang pagsasara ng isla ng anim na buwan. Kaya pinakikilos ni House committee on banks and financial intermediaries chairman at Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang Department of Tourism para mailipat sa ibang tourist destination ang mga ito. “I am calling on DOT to aggressively market and promote alternative destinations in our country. Our country is so blessed with so much beautiful, enchanting and unique natural tourist destinations which are equally as beautiful as Boracay,” ani Evardone. Sinabi ng solon na dapat ay mag-ibang opsyon na maipakita ang mga tour operator para hindi masira ang bakasyon ng mga umaasang makakapunta sa Boracay ngayong summer. “Tour operators should also offer other destinations to those with cancelled reservations. This will help cushion the impact on our tourism revenues and job displacements.” Sinabi naman ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na dapat lumawak ang kaalaman ng publiko kaugnay ng pagpapanatili ng kalinisan ng dagat. Inihain ni Vargas ang International Coastal Clean Up Day in the Philippines (House bill 7336), upang maituro ang pangangalaga ng karagatan na isang asset ng ating bansa. “The country’s seas, lakes and other marine resources are not spared from human destructive practices, especially the inconsiderate dumping of garbage, debris, and other wastes in our waterways,” ani Vargas. Sa ilalim ng panukala ay magkakaroon ng National Coastal Clean-up Day kada taon, na pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.