Patakaran sa tamang pasahod sa paggunita ng mahal na araw
KASABAY ng paggunita ng Mahal na araw noong nakalipas na linggo , pinaalalaha ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang patakaran sa tamang pasahod sa Marso 29 (Huwebes Santo), Marso 30 (Biyernes Santo), at Marso 31 (Sabado de Gloria).
Batay sa Proclamation No. 269 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglabas ang labor department ng Labor Advisory No. 04 (Series of 2018) na nagtatakda ng tamang pasahod
para sa mga nasabing regular at special non-working day.
Ang patakaran para sa regular holiday sa Marso 29 (Huwebes Santo) at Marso 30 (Biyernes Santo) ay ang mga sumusunod:
* Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho sa nasabing araw, dapat siyang bayaran ng 100% ng kanyang regular na sahod sa araw na iyon, ayon sa ilang kondisyon sa itinakdang patakaran at regulasyon. [(Arawang sahod + COLA) x 100%].
* Kung ang empleyado ay nagtrabaho, dapat siyang bayaran ng 200% ng kanyang regular na sahod para sa araw na iyon sa unang walong oras. (Arawang Sahod + COLA x 200%).
* Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng mahigit sa walong oras (overtime work), tatanggap siya ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200% x 130% x bilang ng oras na trinabaho.)
* Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng regular holiday at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang arawang kita na 200%. [(Arawang kita + COLA) x 200%] + [30% (Arawang kita x 200%).
* Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) ng regular holiday at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho.)
Para sa special (non-working) day sa Marso 31 (Sabado de Gloria), dapat sundin ang mga sumusunod:
* Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang “no work, no pay” na alituntunin ang dapat ipatupad, maliban na lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod para sa special day.
* Kung ang empleyado ay nagtrabaho, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng
kanyang trabaho. (Arawang sahod x 130%) + COLA)
* Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng mahigit sa walong oras (overtime work), dapat siyang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).
* Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang kita sa unang walong oras. [(Arawang kita x 150%) + COLA].
* Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita para sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho.)
Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.