Sharon galit na galit sa mga dating fans na nagpapakalat ng 'fake news' | Bandera

Sharon galit na galit sa mga dating fans na nagpapakalat ng ‘fake news’

Cristy Fermin - April 03, 2018 - 12:35 AM

HINDI nangilin nu’ng Mahal Na Araw si Sharon Cuneta. Talagang pinatulan niya ang mga dati niyang tagahanga na ayon sa aktres ay umuupak sa kanya ngayon sa social media at sinisiraan siya.

Kilala niya ang mga ito, binanggit niya nang isa-isa ang mga pangalan ng mga dati nilang tagahanga ni Gabby Concepcion na puro imbento lang naman ang mga impormasyong ipinakakalat tungkol sa kanya, sinumbatan niya ang grupo at tinanong kung ano ang masamang ipinakisama niya sa mga ito?

Semana Santa pa raw naman, bawal ang magsinungaling, bawal din ang paninira ng kapwa, sabi pa ni Sharon, na gigil na gigil sa kanyang mga posts.

Kapag binabaligtad talaga ang sitwasyon ay hindi mapipigilan ng Megastar na sumagot. Kahit pa Semana Santa na dapat ay nagpapahinga ang marami at nagtitika ay hindi siya mapapakali hanggang hindi niya naibibigay ang kanyang panig sa issue.

Bagay na bagay raw si Gabby Concepcion at ang mga umuupak sa kanya dahil pare-parehong sinungaling ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending