Huling alas ng kilalang celebrity inilabas na, kumuha ng bagong manager
KAPANIWALAAN na sa loob at labas ng showbiz na anumang magustuhan ng isang kilalang female personality ay nakukuha niya o gagawa siya ng lahat ng paraan para lang maisakatuparan ang kanyang gusto.
Pero inalat siya nitong mga nakaraang taon, nagtampo sa kanya ang kapalaran, nabalagoong ang kanyang karera. Pero nakagagawa pa rin siya ng paraan para mapansin, siya pa ba, komento ng mga nakakakilala sa kanya mula ulo hanggang paa.
Kuwento ng aming source, “Para-paraan lang naman ‘yan, nalaman niya kasi na ang huling taong nilapitan niya, e, magkakaroon ng malaking papel sa isang network.
“Nabalitaan niya na magre-retire na ang isang executive sa station at ‘yung taong nilapitan niya ngayon ang papalit, kaya naisipan niyang kunin ang taong ‘yun para magmaniobra ng career niya,” simulang reaksiyon ng aming impormante.
Nabigo kasi siya nu’ng lumapit siya sa isang male personality na naisip niyang magiging daan para makapasok siya sa network na pinupuntirya niya, inilakad naman siya ng kanyang kaibigan, pero hindi naman ito ang may-ari ng network.
“Walang nangyari sa transaksiyon, kasi nga, mukhang natakot ang network. Matindi ang dahilan nu’n, may tunog-politics, kaya walang nangyari sa ginawang paglakad sa kanya ng male personality.
“Asang-asa na siya nu’n na magkakaroon siya ng special place sa network na gusto niyang pasukin, pero may mga humarang, kaya wala na namang nangyari sa career niya!
“Nakalutang na naman siya sa kawalan, tinatanong niya ang sarili niya, saan na nga ba siya pupunta?
Wala na siyang show, wala pa siyang movie, kaya naisipan na niyang kunin bilang manager niya ang pinakahuling taong nilapitan niya.
“Balitang may gagawin na siyang movie, matuloy naman sana ang project na ‘yun, dahil kung hindi, e, last card na niya ito. Baka hindi na niya makayanan ang isa pang pagkabigo.
“Akalain n’yo ‘yun, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, puwede palang mangyari ang ganu’n sa isang kinikilalang reyna sa kanyang hanay? Isang araw, mawawalan din pala siya ng K?” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.