Pia-Gerald-Bea love triangle gimik lang o totoong nagkaahasan?
WHO cheated on who?
Tanong ito na angkop sa sitwasyon ng balitang twin breakup sa pagitan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, at Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger.
The past days ay balita ngang sina Pia at Gerald junking their respective “imperfect” partners. But there seems to be a glaring contradiction to this, hindi naman daw totoong break na si Pia from Marlon as much as Bea from Gerald.
In fact, after the Pia-Gerald was shown ay back to reality na ang real-life couples, na wari’y pinalalabas na ang lahat ng ito’y gimik lang.
Between Bea and Marlon, the former should know better. Gimmick or manufacturing one has become a showbiz norm.
‘Yun nga lang, kung totoong palabas lang ‘yon to literally hype the Pia-Gerald movie, it proved to be at the expense of the bidas themselves.
Parehong inakusahang two-timer ang dalawa, probably worse ay ‘yung kay Pia who’s depicted as malandi, a boyfriend-grabber, an unfaithful girlfriend to Marlon.
Kung gimmick nga lang ang lahat, it proved to be a successful attempt para umingay ang pelikula na sa totoo lang ay hindi gaanong interesanteng panoorin except for the cheesy title. Wala pa naman kasing napatutunayan si Pia except for winning an international title.
q q q
Saving the best for last ang pahabol naming item on Heart Evangelista.
We do love her, perhaps even adore her. Pero na-off kami sa kanyang latest expose para lang maiangkop sa kanyang advocacy on women empowerment.
Makaraan kasi ang pitong taon—when just when Heart’s object of assault is on vacation somewhere—ay saka niya itinaon ang pagkalkal ng isang long forgotten piece of history na kung tutuusi’y nakalimutan na ng publiko.
Mahilig sa mga magagandang lahi ng aso si Heart. Kaya ito lang ang aming idiomatic message sa kanya, “Let sleeping dogs lie.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.