Horoscope, March 27, 2018 | Bandera

Horoscope, March 27, 2018

Madam Sophia - March 27, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sadyang sa’ yo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa ‘yo yon kahit hidni ka maghirap. Kaya tigilan mo na ng istilo mo na kung ano-ano ang kinakalikot at ginagawa. Manahimik ka lang sa isang tabi, makikita mo kusang darating sa buhay mo ang suwerte at magagadanng kapalaran. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng ibang tao. Sa pag-ibig, mas magiging okey ang inyong suyuan kung lagi mo tatanungin ang iyong kasuyo kung ano ba ang kanyang gusto? Mapalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa aliwalas na kapaligiran lalo kang susuwertehin. Bukod sa pagninilay ngayong panahong ito ng Semana Santa, maganda ding maglinis ng iyong silid. Yong mga abubot na medyo antigo at luma na, ay ilabas mo na sa taguan. Ito ang iyong isuot at gamitin, ito ang iyong magsisilbing lucky charm. Sa pag-ibig yayain ang kasuyo na mag-Vistita Iglesia. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Rama-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansyal, sa pamamagitan ng pamomolitika, may malaking salaping kikitain. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa mga social gatherings upag kapwa kayo magkapera. Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Om-Miraculum.” Yellow at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pinansyal, hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa kasuyong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang magpapayaman sa ‘yo. Sa pag-ibig okey din ang ka-partner na isang Scorpio. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Magandang balita ang matatanggap! May mag-aalok ng pagkakakitaan – sunggaban agad, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang pagbabakasyon sa Ilocos o kaya’y sa Palawan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Emerald green at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Walang maibibigay na pag-unlad ang araw ng bukas! Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran, ngayon ka na magsipag upang yumaman. Sa pag-ibig, puntahan na ngayon ang kasuyo matampuhin – dalan siya ng pagkaing lusaw, malamig na matamis. Mapalad ang 5, 16, 23, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa. Panahon ngayon ng pagbabagong buhay at pagpapakabuti. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Beige at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung mag-aaral kang magtipid. Oo dapat mo talagang aralin ang pagtitipid, dahil may pagkabulaksak ka sa pera kaya mabagal kang yumaman. Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag susuko sa mga problema. Sa pinansyal, isang Aries ang tutulong sa ‘yo upang malusutan ang mga problema. Sa pag-ibig, may masarap na romansa dulot ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahata.” Purple at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa panahong ito ng Mahal na Araw hindi ka dapat maging agresibo. Sa pinansyal dahan-dahan lang sa pag-gastos, alalahanin mong mabilis maubos ang pera. Sa pag-ibig, wag pilitin ang kasuyo hayaan mong bumigay siya ng kusa. Mapalad ang 4, 8, 18, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa panahong ito ng Kuwaresma ngingiti ang suwerte kung marunong kang magpatawad. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, patawarin mo na rin young mga nangutang sa inyo na ayaw ng magbayad. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Nagsisimula ng lumaki ng lumaki ang buwan sa langit, kaya anoman ang iyong gawin tiyak na ikaw ay susuwertehin. Sa pinanasyal may malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantiko at masayang relasyon hatid ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Maroon at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending