Babala kay Catriona Gray: Mag-ingat sa mga epal! | Bandera

Babala kay Catriona Gray: Mag-ingat sa mga epal!

Ambet Nabus - March 24, 2018 - 12:10 AM


KAHIT pa si Carlene Aguilar ang sinasabing kauna-unahang Pinay beauty queen na nagkaroon ng dalawang major titles (2001 Miss Philippines Earth at 2005 Binibining Pilipinas-World), mas naging maingay pa rin ang ginawang record ni Catriona Gray na nagwaging 2018 Binibining Pilipinas-Universe matapos tanghaling Miss World noong 2016.

Ang pagkapanalo ni Catriona this year ang mas pinag-usapan ng publiko dahil mas “risky” daw ito sa tulad niyang nakakuha na ng international semis spot (top 5 sa Miss World).

With all due respect sa Miss Earth na siyang unang napanalunan ni Carlene noong 2001, wala ito sa vicinity ng top international titles until nitong nagdaang limang taon na lang ayon sa mga beauty pageant experts.

In short, ayaw ituring ng mga pageant enthusiasts and patrons ang Miss Earth title na kahilera ng Miss Universe at Miss World. Kaya hindi matatawag na major achievement sa mundo ng beauty pageant ang isang title ni Carlene. Sabehhh???

q q q

We are in Legazpi, Albay when we learned of Catriona Gray’s supposedly grand parade o homecoming sa hometown niyang OAS (Albay).

Pero hindi na nga raw muna ito matutuloy dahil tila may mga local executives at iba pang beauty pageant patrons na gustong pumapel sa tagumpay ng Binibini from Bicol. Kaya naman binigyan na raw ng warning si Catriona na mag-ingat sa mga epal para hindi siya magamit sa politika.

For the longest time ay bukod tanging si Joey Salceda, noo’y governor at ngayo’y congressman na ng Albay, ang kilala naming biggest patron at supporter ng mga beauty queens from his province.

Hindi lang niya kasi ito literal na pinag-aaral (courses and related training on beauty and fitness), bagkus sinusuportahan din niya ang mga ito financially kapag sumasabak sa national and international pageants, na kadalasan pa ay kasama ang mga pamilya.

Just wondering kung bakit may mga isyung ganito when in fact, puwede namang pagsama-samahin ang resources at tulong para sa pride ng Bicolandia, Oas, Albay in particular.

Lehitimong Albayanon si Catriona at marami siyang mga relatives dito, gaya ni 2018 Bb. Pilipinas-Globe na si Michelle Gumabao, na tubong Albay din pala ang nanay at galing sa angkan ng mga Imperial.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending