Maria pang-support na lang sa pelikula; dapat gayahin ang mga diskarte ni Mega | Bandera

Maria pang-support na lang sa pelikula; dapat gayahin ang mga diskarte ni Mega

Ambet Nabus - March 24, 2018 - 12:25 AM


“NGAYONpa ba ako mag-iinarte?” Ito raw ang sagot ni Maricel Soriano sa mga basher niyang nagtatanong at nagtataka kung bakit tinanggap niya ang supporting role sa bagong pelikula ni Paolo Ballesteros.

“Hindi ba niya kayang gawin ang diskarte ni Sharon Cuneta na pambida pa rin ang aura kahit nagkakaedad na?” ang isa sa mga pang-aasar kay Maria sa social media.

Simula raw nang tanggapin ng Diamond Star ang pagiging nanay ni Vice Ganda sa isang pelikula nito, nagsimula na raw bumaba ang commercial value ng aktres. Sila ni Megastar Sharon Cuneta ang pinaglalaban noon in terms of kasikatan at galing sa pag-arte.

Well, wala naman kaming nakikitang masama kung tumanggap man ng supporting roles ang tulad ni Maricel. Hindi rin masama kung suportahan niya ang mga baguhang artista na nangangarap ding maging big star tulad nila ni Mega.

Tama naman ang sinabi niya na hindi na nila panahon ngayon at hindi ikasisira ng buhay o career niya ang maging support ng mga baguhang artista.

Nagkataon lang siguro na mas naaalagaan ngayon ang career ni Sharon kesa kay Maria, but eventually, she will also do supporting roles gaya rin ng mga nauna sa kanila na naging movie queens and superstars noong kanilang panahon.

Tsaka naniniwala kami na wala nang makakapalit pa sa trono nina Maricel at Sharon sa mundo ng showbiz kahit pa napakarami nang nagsulputang baguhan ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending